Hindi Malilimutang Saya


AKING KAARAWAN
Ni: Mechiel Grace Ramos

Maraming masasayang araw na nangyari sa buhay ko pero may isang araw talaga na talagang nasiyahan ako at ito ang araw ng aking buhay noong Pebrero 17, 2019 ang araw na ito ay talagang di ko malilimutan dahil siguro 18 na ako at may kalayaan o FREEDOM na ako. Sa araw na ito ay binigyan na ako nina mama at papa ng kalayaan dahil nasa wastong edad na ako. Noong araw na yun ay sinorpresa ako ng mga kaibigan ko sanay na akong sinosorpresa nila pero nung araw na yun ay iba dahil kompleto sila. Pero mas nasiyahan ako dahil ang mama ng pinakamalapit kung kaibigan ay sinorpresa ako binigyan niya ako ng cake kahit na nasa ibang bansa siya at yung pinakamalapit kung kaibigan ay umuwi talaga siya para lang isurprise ako. At ang buo kung pamilya ay talagang masaya sila para sa akin dahil umabot ako sa ganitong edad pati na rin ako ay sobrang saya.



DESI-SYETE

Ni: Je Ann Rose Ramayrat

Panibagong taon. May mga bagong alaala naman na nabuo na at mabubuo pa, masaya man ito o malungkot, ito pa rin ay mahalaga. Hindi natin mabilang  ang lahat ng sakit na ating napagdaanan pero sa kabila ng lahat, may mga masasayang araw pa rin tayo na hindi natin makakalimutan. Gaano man ka komplikado ang buhay at ang mundong ating ginagalawan, may mga pangyayari pa rin sa ating buhay na dapat natin pahalagahan. Noong ika-labing lima ng Buwan ng Hunyo, 2019 ay ginanap ang isa sa pinakamasayang araw sa taong ito, dahil ito ang aking ika labingpitong kaarawan. Hindi lahat ng kaarawan natin ay masaya, pero kahit hindi man ito kasing ganda at engrande tulad ng iba ang mahalaga ay marunong tayong magpasalamat sa lahat ng biyaya na binigay ng ating Ama. Sa araw ng aking kaarawan ay nakasama ko ang mga taong malalapit sa aking puso, hindi lamang ang aking pamilya kundi pati na rin ang mga dati at bago kong mga kaibigan. Sinopresa rin nila ako na tunay nagbigay saya sa aking kalooban, dahil ramdam ko ang kanilang sinceredad at layunin nilang ako ay mapasaya.
Bawat kaarawan natin ay may iba’t ibang storya, minsan kahit walang pera basta kasama lang ang pamilya ay sapat na. Minsan maraming handa sa lamesa pero mas lalong naging espesyal dahil sa mga taong ating nakasama. Ang kaarawan natin ay hindi lamang selebrasyon ng ating kapanganakan. Ito rin ay selebrasyon ng bagong yugto sa ating buhay, bagong taon na ibinigay ng ating Diyos, taon na puno ng pag-asa at pagmamahal ng ating Ama, pamilya at kaibigan. Kapag marunong tayong magpahalaga at makontento, dito natin mahahanap ang tunay na depinisyon ng kasiyahan. Ang tunay na kasiyahan na sa puso lamang nararamdaman.



KASAL
Ni: Kaceybelle Lantaya

Sa buhay, hindi natin maikakaila na makakaharap talaga tayo ng kasiyahan at minsan nama'y kalungkutan. Ang pinakamainam nating gawin ay sumabay na lamang sa agos ng buhay, harapin ang mga problema at maging masaya kapiling ang mga naging bahagai ng mga ngiti natin sa mga masasayang araw ng ating buhay. Bilang isang labin-pitong taong gulang na indibidwal, marami nang mga masasayang pangyayari na nangyari sa aking buhay. Talaga namang may mga bagay at mga taong malaki ang naiambag dito. Isa na dito ay ang aking pamilya, masasabi kong sila ang dahilan ng pinakamasayang pangyayari sa aking buhay. Noon, kaming mga magkakapatid sa ama ay sabay-sabay nilang pinalaki at hindi ko ikakailang sabihin na sa kabila ng iba-ibang ina, tinuruan parin kami ng aming ama na mahalin ang isa't isa. Itinuring naming tunay kami na magakakapatid. Ngunit, nang dumating ang panahon na kailangan na naming maghiwa-hiwalay, marami-rami na ring nagbago gaya ng bonding naming magkakapatid. Ang aking mga nakakatandang kapatid ay nakapagtapos na ng kolehiyo at nagkaroon na ng sariling mga pamilya't responsibilidad.
 Noong abril ay ikinasal ang aking kuya at kami ay nagkaroon ng kaunting panahon upang magkasama-samang muli. Lumakbay kami sa iba't ibang lugar at sinikap na maibalik ang dating samahan. Iyang kaunting panahon naming pagsasama ay siyang pinakamasayang pangyayari sa aking buhay, ang makitang masaya at kitang kita sa mata ang galak na aming naramdaman. Sa kabila ng pagkakaiba ng aming mga ina, hindi ito naging hadlang sa amin upang magmahalan. Sa kabila ng sampung taong paghihiwalay at kalungkutan, nasuklian naman ito ng hindi malilimutang saya kahit dalawang linggo lamang kaming nagkita-kitang muli. Itong pinakamasayang pangyayari ng aking buhay ang syang nagturo sa akin ng isang makabuluhang leksyon para sa lahat, ang maging mapagpasalamat kahit sa maliliit na kasiyahang ating nahagkan at huwag kalimutang magmahalan sa kabila ng mga pagsubok at hindi maiwasang pangyayari sa tunay na buhay.



ESPESYAL NA KAARAWAN
Ni: Zenith Apple Jen Edu

Magandang umaga po, ako po pala si Zenith Apple Jen J. Edu. Gusto kolang po ipa hiwatig sainyu ang pinaka magandang pangyayari na dumating saakin sa taon na ito, at ito ay ang kaarawan ko buwan ng abril 17 2019. Noong araw na iyon ay labis akung sumaya, dahil nakita ko unang una kung gaano ako ka mahal ng aking pamilya, ipinakita nila at ipanadama ang buong suporta at pagmamahal. Ako ang nag iisang babae sa aming magka patid dahil syempre dalawa lang naman kami, Sa araw na iyon ay hindi ko alam kung ano ba talaga ang gagawin ko sa kaarawan ko, tumutulong nalang ako saaking ina kung ano ang mga gusto niyang gawin. Umaga palang ay marami na akung mga kaibigan ang nag padala ng kanilang mga nakaka kilig at iyak na pag bati, pumunta ang aking mga kaibigan na galing pa sa malayo, kaibigan ko sa elementarya, sa paaralan, sa simbahan at syempre mga kapit bahay naming.
Labis akung natuwa dahil pumunta ang aming padre cora sa simbahan, at dahil para ko na siyang tatay, palagi niya akung sinasabihan na kailangan ko daw na maka pag tapos sa kolehiyo, dahil gusto niya na Makita na nasa tarpaulin ang aking mukha bitbit ang aking toga at papel. Napaka swerte akung bata, dahil nadama ko kung gaano ako ka mahal ng lahat, talagang nag bigay sila ng uras para maka pag dalo sa aking kaarawan, madami talaga akung mga kaibigan, at para saakin napaka importante nila sa buhay ko, kaya ang laking pasasalamat ko sa panginoon na hindi niya ako iniwan sa lahat ng bagay ditto sa mundo.
 Pag lipas ng uras hanggang sa gumabi na nag si datingan na ang mga kaibigan ko at andami nila, hindi ko na alam ang gagawin ko kung sino nga ba ang unahin ko, May maikling programa rin naman ang ginawa namin kaya iyon kumakain kami lahat at nagsiksikan talaga ang mga tao. Napa sabi ako sa sarili ko pagka tapos ng kaarawan ko na talagang marami ang nag mamahal saakin dahil andaming tao ang dumalo at naki saya kasama ako, at syempre laking pasalamat ko saaking mga magulang na tudo suporta saakin at nag papasamat rin ako ng lubos sa buong may kapal na binigyan nanaman ako ng bagong taon dito sa mundo.




KAARAWANG HINDI MALILIMUTAN
Ni: Angel Cabalhin

Noong Hunyo 11, 2019 ang pinaka masayang pangyayari sa buhay ko ngayong taon dahil ito ay ang kaarawan ko. Hindi ko ito makakalimutan dahil ito ang aking ika-labingpitong kaarawan, at walang ibang unang bumati sa akin kundi ang aking mama na tunay nagbigay saya sa aking kalooban sapagkat siya ang pinaka importanteng tao sa buhay ko. Maraming mga tao rin ang bumati sa akin sa espesyal na araw ko, kahit mg simpleng mensahe lamang galing sa ibang tao ay nagbigay saya sa aking puso. Hindi rin pinalagpas ng aking mga kaibigan ang batiin at sorpresahin ako, binati nila ako ng maligayang kaarawan sinamahan pa nila ng balloons at cupcakes. Dahil sa araw na ito, napagtanto ko na dapat pahalagahan ang buhay na ibinigay at mga biyaya na ipinagkaloob ng Diyos sa atin. At ito ang hinding hindi ko makakalimutan na araw sa taong 2019.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Sayang Hatid ng Pag-ibig

“KALIGAYAHANG HINDI MATUTUMBASAN”