Sayang Hatid ng Pag-ibig
Pagkakataon
Isinulat ni: Myrasol B.
Aradillos
Di mabilang na biyaya sa isang
beses na pananampalataya. Bagong simula
sapagkat may paniniwala. Bagong umaga, bagong pag-asa at bagong pagkakataon
upang maitama ang mga pagkakamali kasabay ang pagbukas ng ating mga sarili sa
mga bagong biyaya. Ika nga nila, "we humans are prone to error because we
are not perfect". Maaring nagkamali tayo sapagkat sinadya natin itong
mangyari o kaya naman ito talaga ang nakatandaha upang matuto tayong sa mga
bagay na dapat di natin ginawa. Pwedeng ipalagay natin na isa itong
"curse" ngunit ang mga bagay na ito ay alam naman nating sa
kathang-isip lamang nagaganap. Walang ni isa sa atin na nakaka-alam kung ano
ang mangyayari sa mga susunod na araw sapagkat ang Diyos lamang, ang
pinakamakapangyarihan sa lahat ang nakaka-alam sa pinakamagandang plano na
hindi kailan man natin maiisip. Isang planong kasyang-kasya at perpekto para sa
ating lahat.
Bawat araw sa ating buhay ay
isang biyaya, sasabihin kong lahat ng mga araw sa buhay ko ay masaya dahil
bigay ito ng Diyos, ngunit meron lamang tayong mga araw na hindi malilimutan
sapagkat nakatatak na ito sa ating puso't isipan at lalong-lalo na dahil malaki
ang parte na naibigay nito sa ating buhay. Sa taong 2018 at 2019 isa lamang ang
pinakaimportante para sa akin. Pinapahalagahan at araw-araw kong pasasalamatan.
Hulaan niyo? Hindi ito bakasyon, hindi rin ito lovelife at hindi rin naman ito
kaarawan ng mga mamahaling bagay na uso ngayon at lalong-lalo nang hindi ito
kaarawan ninuman dahil isa lamang itong New Year! Kain rito,kain doon,
naglalakasang mga kanta, paputok at kung anu-ano pang mga pwedeng pangbugaw raw
ng kamalasan. Syempre! Nandiyan ang
buong pamilya, ang pinakagusto ko sa lahat.
Yung tipong sabay kayung kakain, magdarasal, magyayakapan at
magsisigawan. Isama pa ang pagsisimba at pagpapasalamat. Isang espesyal na
celebrasyon na nangangahulugan bagong simula, bagong taon upang ipagpatuloy ang
ating nasimulan at higit sa lahat, bagong kabanata sa isang napakamakahulugang
paglalakbay. At bakit ito ang pinakamasaya sa taong nabanggit? Dahil wala ng
iba pang makapapantay sa biyayang aking
natanggap, ang mabigyan ako ng dagdag pang panahon upang makasama ang aking mga
mahal sa buhay na puno ng sigla at nasa mabuting kalagayan. Isa ngiti lamang mula sa kanilang mga labi ay
katumbas na ng isang libong salapi. Isang pangyayaring hinding-hindi
mababayaran ng anumang kayamanan, sapagkat naniniwala ako na ang aking pamilya
ang siyang tunay na yaman.
Sa pagwawakas ng sanaysay na
ito, gusto ko lamang iparating na kahit gaano pa kalaki ang trahedyang ating
hinaharap, kung titignan lamang natin ito sa positibong pananaw at may
pananalig sa Diyos,walang imposible at lahat makakamtan. Pagsubok lamang ang
mga ito upang maihanda tayo sa mga bagay na maari pang dumating na
makapagbibigay sa atin ng sapat na akas ng loob para mahanap ang kahulugan ng
ating mga buhay. Ako si Myrasol B.
Aradillos pinanghahawakan ang katagang, walang bagay na nagkataon lamang
sapagkat lahat ng mga pangyayari at bagay ay may mabisang dahilan at rason kung
kayat nangyari ang mga ito. Bumangon, maniwala at ipagpatuloy ang nasimulan
kasama ang iyong lakas,ang Panginoong Diyos.
Pangarap
Isinulat ni: Nelchie Al Y. Martinez
Naranasan
mo na bang mangarap? Gaya nang maging maganda ang buhay upang karangyaan sy
malasap. Bawat isa sa atin ay may kahilingan at ang Poong Maykapal ang laging
nagiging sandigan. Ibat-ibang pangarap ang gustong matupad. maliit man o kasing
tayog ng ulap laging may pakpak ng kanaisan ang gumagabay. Siguro kung
malalaman nyo lang kung ano ang gustong maasam ay matatawa na lang sapagkat
baka para para sa inyu ito'y walang katuturan.
Bawat estudyante ay nangangarap na makapagtapos
ng pag-aaral o makakuha ng mataas na marka na lubos na makakapagpapasaya kung
ito’y makukuha. Ako may ganito, ginagawa ang lahat para makakuha ng wastong
marka. Nang tumungtong ng senior high ay
nagsikap upang makakuha ng gatimpala at nakuha naman din ito dahil sa
pagsisikap. Ngunit ni isa man ay hindi alam ng magulang dahil natatakot na
baliwalain lang. Gantimpala na galing sa skwela na dapat ipagmalaki at ipakita
ay nasa sulok lamang. Nakatago sa paligid at ina-alikabok na. Nangunguna ang masasamang bagay sa isipan,
kaya imbis na matuwa sa nakuha ay ninerbyos nalang. Natatakot na baka hanggang
dito nalang ang lahat at sa susunod ay mawawala nalang ang lahat.
Gabi
na noon at hindi mapakali sa balitang gusting ihatid. Na ako’y isa sa mga
estudyante na naatasan na pumunta sa paaralan upang kunin ang medalya sa
pagiging isa sa mga estudyante na nangunguna sa klasi at kailangan na ang mga
magulang ay madala. Nagkaroon nang lakas ng loob at sinabi ang balita. Malaking
ngiti ang agad na nakita, na nagbigay sa akin ng abot-langit na saya. “Proud
kay mi saimo ate! Yaaay! Deserve na nimo uy”, mga katagang kanilang binitawan
na naging dahilan ng pagtalikod at palihim na pagpunas ng luhang pilit umaagos.
Ito ang pangarap na matagal na inaasam, na sa wakas ay natupad na. Ang mapasaya
sila dahil sa mga nagawa ko at marinig ang mga katagang iyon.
Ang
gusto kong maibahagi sa inyu sa sanaysay na ito ay dapat gawin natin ang lahat
ng makakaya upang pangarap ay makamtam at matupad. Wag din kalimutan ang
katagang “Nasa tao ang gawa nasa Diyos ang awa”. Wag kang tumunganga diyan at
maghintay na lamang kung kailan dadating ang mga gusto mong mangyari sa buhay,
kailangan din nating magsikap at magpursige upang matupad ito at ang Panginoon
ang bahalang gumabay sayo. Sa sanaysay ding ito gusto kung malaman niyo na ang
tunay nagbibigay sa akin nang saya ay ang mapangiti ang aking mga magulang
dahil sa saya na dulot ng aking mga naging tagumpay.
Ala-ala
Isinulat ni: Claire
Jane R. Lagura
Lahat ng tao sa mundong ito ay may
mga karanasang hindi makakalimutan. Mga karanasang nagdudulot sa atin ng kasiyahan,
kahirapan, kalungkutan, pighati at kabiguan. Habang tumatakbo at lumilipas ang
panahon lahat ng mga karanasan natin ay nag-iiwan o nag dadala ng marka sa atin
ng panghabang buhay. Minsan ito man ay kasiyahan at minsan ito man ay
kalungkutan. Ang mga ala-ala ay nagsilbi
sa atin na kung ano tayo noon at ngayon. Ang mga ala-ala rin ang naging dahilan
kung ano ang nararamdaman natin ngayon. Kaya halinat gumawa tayo ng mga ala-ala
dahil ang ala-ala ang silbi sa lahat, ng ating pagkabuhay at ng ating pangkabukasan.
Pamilya, sila ang naging dahilan
kung bakit ako masaya, ngayon, bukas o araw-araw. Sila ang naging sandigan ko
sa aking mga problema at sila ang nagsilbing mata sa mga pangyayari sa buhay
ko. Kaya para sa akin, ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ay nung nakasama
ko ang buong pamilya ko, na kahit ma bagyo man at maaraw basta makasama ko lang
sila masayang masaya na ako. At dahil ang pamilya ko ang naging sanhi ng
kasiyahan ko, sila rin ang naging sanhi sa kalungkutan ng buhay ko. Nasaksihan
ko na ito nung araw na umalis ang ina ko papunta sa ibang bansa, isa yun sa
naging dahilan kung bakit ako ay malungkot at kung bakit hindi buo ang buhay ko
pero kahit man malungkot ako, palagi kung iniisip na gagawin ko ang lahat dahil ito ang kasiyahan
ng ina ko, gagawin ko ang lahat dahil ito ay nakakabuti sa kinabukasan ko at
gagawin ko ang lahat dahil ito ay para sa pamilya ko.
Kaya tayong mga tao dapat natin
pahalagahan ang ating mga ala-ala kahit ito man ay kasiyahan at kahit ito man
ay nagdudulot sa atin ng kalungkutan dahil ang ating ala-ala ay mahalaga at
dahil ito rin ay ginawa sa atin ng Panginoong Diyos upang magkaroon tayo ng
pangmatagalang ala-ala sa ating mahal sa buhay.
Pamilya
Isinulat ni: Donna Mae O. Panes
Araw-araw
ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay. Alam mo kung bakit? Kasi sa tuwing
minumulat ko ang aking dalawang magagandang mata, masaya na ako kasi biniyayaan
ako ng ating Panginoong Diyos ng dalawang magagandang mata upang makita ko ang
napakandang tanawin na kanyang nilikha. Nagpapasalamat ako sa kanya kasi isa
ako sa mga biniyayaan ng mga mata na pwedeng makakita ang kanyang ginawa,
hinding-hindi ko ito sasayangin at sisirain.
Sa
bawat segundo na dumadaan binibigyan ko ito ng halaga kasi di natin alam kung
kailan tayo kukunin ng ating Panginoong Diyos, ang buhay na kanyang ipinahiram
sa atin. Kaya sa bawat patak ng oras nagpapasalamat ako kasi biinigyan ako ng
maraming biyaya. Biyaya na walang katumbas ang kasiyahan. Pagmulat ko sa aking
mga mata, isang malaking kaligayahan na makita ang aking ina na nakangiti. Inaalagaan
ako, pinapakain ng maayos,pinag-aral sa pribadong paaralaan at saka binigyan
nang mga bagay na gusto kong maging akin. Masaya na ako sa mga bagay na
nangyayari sa akin, nagpapasalamat nga ako kasi kahit maraming problema na
dumaan andito parin ang aking pamilya buo at nanalig sa ating Paginoong
DIyos.Sobra-sobrang biyaya ang natanggap ko ngayung taon, mga bagay na hindi ko
hiniling ngunit ibinigay ng ating Panginoong Maykapal.
Hindi
ko alam kung bakit ganito ka buti ang ating Panginoon kaya itinatak ko sa isip
at puso kung paano ko maaaring tumbasan ang kanyang kabutihan. Kaya para
matumbasan ko ito ay gagawa ako ng mga bagay na magpapasaya sa kanya.
Mga Araw ng nasa Bohol pa Ako
Isinulat ni: Arch Steve S. Alecer
Nung
kami ay magpunta sa Bohol sobrang excited ko kasi first time kong makasakay ng
barko at kinakabahan ako kasi natatakot ako sa dagat pero nung kami ay pumunta
na ng Bohol sobrang saya pala sumakay ng barko.
At ung kami na ay nasa Bohol na pinuntahan naming lahat ng tourist spot
doon at di ako makapaniwala maramaming
Ameicano at tsaka mga Intsik doon na naliligo sila sa beach . Marami din
magagandang puntahan doon gaya nang
Chocolate Hills, Hinagdanan cave at marami pang ibang mga magagandang puntahan.
Meron din akong nakilalang French na babae na nakaibigan ko at nagkukwentuhan
kami at tinuruan ko sya pano mag salita ng Tagalog at magtranslate, at nung mga
araw nay un ay hinding hindi ko makakalimutan. At ang pinakamasayang araw ko ay
nung nagkasama kami lahat ng pamilya ko bumuo ng masasayang alaala at hinding
hindi ko malilimutan yung mga araw na yun g nagkasama kami lahat ng pamilya ko
na bumuo ng masasayang alaala at hinding hindi ko makalimutan yung araw nay un
kasi mahalaga saakin yung magkasama kami. At lagi kong nasa isip ito wala sap
era o material ang nakapasasaya ng tao kundi ang ating mga minamahal sa buhay
at tsaka mga kaibigan natin na nandyan sa atin lagi kong may problema tayo at
lagi kong nasa isip na may Diyos tayong
nagamamahal sa atin at hindi tayo pinapabayaan kong meron tayong mmga
problemang hinaharap at hindi ka niya iiwan kailanman.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento