Sayang Hatid ng Pag-ibig
Pagkakataon Isinulat ni: Myrasol B. Aradillos Di mabilang na biyaya sa isang beses na pananampalataya. Bagong simula sapagkat may paniniwala. Bagong umaga, bagong pag-asa at bagong pagkakataon upang maitama ang mga pagkakamali kasabay ang pagbukas ng ating mga sarili sa mga bagong biyaya. Ika nga nila, "we humans are prone to error because we are not perfect". Maaring nagkamali tayo sapagkat sinadya natin itong mangyari o kaya naman ito talaga ang nakatandaha upang matuto tayong sa mga bagay na dapat di natin ginawa. Pwedeng ipalagay natin na isa itong "curse" ngunit ang mga bagay na ito ay alam naman nating sa kathang-isip lamang nagaganap. Walang ni isa sa atin na nakaka-alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw sapagkat ang Diyos lamang, ang pinakamakapangyarihan sa lahat ang nakaka-alam sa pinakamagandang plano na hindi kailan man natin maiisip. Isang planong kasyang-kasya at perpekto para sa ating lahat. Bawat araw sa ating buhay ay isan...