Ang Tunay na Kasiyahan


Masayang ala-ala
ni: Richan Jean Comamao
    
Masaya at masarap kasama ang mga kaibigan, pero mas masaya kapag ang mahal mo sa buhay ang iyong kasama. Dahil nga malungkot ako, pinasaya ko ang sarili ko kasama ang aking mga kaibigan, at dahil mahilig din ako magpunta kahit saan pumunta kami ng mga kaibigan ko at pastor sa MGG.
            Noong papunta kami doon nagdasal kami sa kaligtasan namin, mga ilang minuto ang nakalipas nagsimula na kaming maglakbay. Noong nasa daan kami marami ang mga magagandang tanawin ang mga nakikita ko, pagdating namin doon ay masayang masaya ako dahil naligo ako kasama kaibigan ko, kumain kami ng kahit ano, naglaro, kumuha ng mga litrato at pumunta sa mga ibat-ibang magagandang lugar doon. Parang sa ilang sandali nawala ang mga problema ko at hindi na ako nalungkot, nilibang ko ang aking sarili na parang sana hindi na matatapos ang araw na iyon
            Noong umuwi na kami hindi ko parin nakalimutan ang mga ginawa namin doon kapag naiisip koi yon ngingiti nalang ako. Masaya talaga kapag wala kang iniisip na masama at gagawin mo lahat ng makapagsasaya sayo at sa ibang tao.


Ang kaligayahan ko

 ni: Regine Mae M. Baguio

            Ang kasiyahan ay hindi tungkol sa mga bagay na pansamantala lamang, ito ay tungkol sa mga bagay na pinahalagan mo, mahalaga sayo at nagpapasaya sayo. Ang kasiyahan para sakin ay hindi sa materyal na bagay kundi ang pagkaroon ng isang tao na importante sayo. Lahat na meron tayo ditto sa mundo ay dapat nating ikatuwa, pero may mga nangyayari sa buhay natin na nagpapasaya satin ng lubusan.
            Isa na dito ang pamilya ko, lalong lalo ng nang ipinanganak ni ate ang aking pamangkin. Kahit na hindi siya nakapagtapos sa kanyang pag-aaral, pero ang lungkot na aming nararamdaman ay napalitan ng kasiyahan. Naniniwala ako sa kasabihang We’re is the joy there is always the sorrow, dahil minsan ang problemang dinaanan natin ay magbibigay satin ng lakas na loob upang gawin ang isang bagay at maging matatag upang maresolba ang isang problema. Kahit wala siyang diploma (certificate na nakapagtapos sya ng kolehiyo) may diploma naman kaming magpapasaya samin habang buhay at yun ay ang aking pamangkin. Oo sobrang saya din sana namin kung nakapagtapos si ate ng kolehiyo pero para sakin mas masaya kami ng dumating sa buhay naming ang pamangkin ko, ang batang nagbigay samin ng tunay na kasiyahan. Sa totoo lang ngayon ko lang nakitang tumawa ang aking papa ng tunay na parang sya na ang pinakamasyang tao sa mundo, na may naging dahilan na upang maging masaya sya ulit, na kahit pagod na pagod siya galing trabaho pero ang laki ng ngiti niya pagnakita niya ang apo niya na parang lahat ng pagod niya ay mawawala.
            Lahat ng nandito sa mundo ay pansamantala lamang kaya pahalagahan natin sila hanggat nandito pa sila sa tabi natin, na kahit sa kunting panahon na kasama mo sila ay naging masaya ka, na sa kunting panahon ay may nagmamahal sayo. Matuto tayong makuntento sa mga bagay na binigay satin ng panginoong dios dahil ang tunay na kasiyahan ay hindi makikita physically but emotionally, spiritullly na deep inside masaya ka talaga kahit gaano kaliit meron ka kung marunong kalang magpahalaga magiging masaya ka.


Pamilya ko Kaligayahan ko
 ni: Juliet B. Pintac

          Walang ibang gagawa ng esturya ng buhay ko kundi ako! Kahit na anong problema at saya na nagyari sa buhay ko araw raw ay isusulat at isusulat ko parin sa libro ko! Libro ng buhay kung puno ng pagmamahal. Dahil ang buhay ko ay punong puno ng problema. Problema na susubukin ang katatagan at tapang mo bilang isang tao ngunit sa bawat problema may kakambal naman itong saya.Sa pananatili natin dito sa mundo may isang pangyayari na masasabi nating ang pinakamasayang panyayari sa akin sa taong ito.
            Tuwing sasapit ang taong Enero 1 ang unang araw ng taon. Dito ko mababasi kung gaano ako kasaya kasama ang pamilya ko kahit na kunting salo salo lamang ang magaganap bastat ang bawat isa ay nagmamahalan at nagtutulungan magagawa at magagwa talaga nating sumaya. Ito ang araw ng pagdidiriwang ng bagong taon na syang nagbibigay samin lalo na sa akin ng pinakamasayang pangyayari sa buhay ko kasama ang aking buong pamilya na nagtitpon tipon upang sabay naming ipagdiwang amg darating na bagong taon.
            Ang pangyayaring ito ay hindi na bago sa akin ngunit sa bawat taon na pagdiriwang, ibat- ibang lebel din ng kasiyahan na lagi kong nararamdaman. Ang mga pangyayari sa aking buhay ay malungkot man o masaya ito ay laging tatatak sayong puso at isipan at ang lagi kung tatandaan na tayong mga tao ay binuo sa saya. At ang bawat saya ng aking nadarama ay nagpapaliwanang na ang buhay ay napakaganda kaya kahit sa anumang pangyayari ay masasabi kong ang pagdiriwang ng bagong taon ang masasabi kung isa sa mga pinakamasayang nangyari sa taong ito. At meron pang isa na napakasarap isipin na sa bawat paggising mo sa umaga ay nagawa mu paring ngumiti kahit na punong puno ka ng problema at sa bawat [roblemang hatid may handing tumulong sa akin lalo na ang aking pamilya na walanh sawang sumuporta sa akin kaya masasabi kona ang bawat tipon tipon, pagmamahal, pagsusuporta t magtutulungan ng bawat pamilya ang tinuturing kung kaligayahan. Masasabi ko naring sila ang dahilan kung bakit patuloy akong lumalaban sa lahat ng bagay, sila ang nagbibigay ligaya sa bawat patak ng aking luha.


Nakaraang Kasiyahang Hindi Malilimutan
ni: Mariel Carteciano

Bilang isang tao madali tayong sumaya sa mga bagay na nakapaligid sa atin. Sa pagkakaroon ng mga kaibigan hindi rin natin maiwasan ang mga tawa’t saya pag sila ang ating kasama. Pero, wala talagang makakatalo sa saya kapag kasama mo ang iyong pamilya. Alam natin na pamilya ang dahilan kung bakit masaya tayo at kung bakit nandito tayo ngayon.
            Hindi ko talaga nakalimutan yung araw na nagsama kaming lahat ng aking pamilya. Nagpunta kami sa lugar kung saan pwede kaming magtampisaw (EDLIMAR). Sa araw na iyon sobrang saya namin dahil kompleto kaming lahat. Dala-dala ng ate ko ang kanyang dalawang anak, kahit kunti lang ang aming pagkain masaya pa rin kami. Nandoon, na nga kami sa loob ng resort kung saan makikita mo ang iba’t ibang magagandang hugis ng pool. Agad kaming naghanap ng malalagyan sa aming gamit (cottage). Walo kaming lahat Mama,Papa, Ate (2), Bunso, dalawang anak ng ate ko at siyempre ako, todo tawanan kwentuhan, asaran. Hindi ko akalain na ganito pala ang saya na aming maranasan. Pagkatapos nyan, nagbihis na kami pangligo agad agad kaming pumunta sa pool kung saan pwede kaming maglaro kahit matanda na kaming magkakapatid hindi pa rin namin napigilan ang paagiging bata dahil nagtatakbuhan kami sa gilid ng pool. Ilang minutong, lumipas pumunta yung papa’t mama namin kung saan saan kami naliligo pinagtatawanan nila kami at kinununan nila kami ng litrato habang nagtatawanan . Hanggang naisipan ni ate na itulak sina mama’t papa sa pool upang maligo at laking saya ku dahil hindi pala marunong lumangoy yung papa ko at mabuti nalang at hindi masyadong malalim yung pool na aming nililiguan. Sobrang saya namin sa tubig dahil lahat kami naglaro kung saan may magtapon ng barya sa tubig at kunin sa ilalim. Sa sobrang tawa ko naka inom ako ng tubig grabe ang sarap hahaha! Ilang minuto nagutom  na nga kami nagpunta na kami sa cottage at doon kami nagpatuloy sa aming kabaliwan. Nakita ko ang saya sa mukha ng aking mama’t papa at parang naramdaman ko ang sayang kanilang nararamdaman kung baga, parang nawala kunti ang kanilang problemang hinaharap. Itong nangyari sa amin hinding hindi ko talaga ito makakalimutan sa aking buhay at kung saan kasama ko ang aking mahal sa buhay.
           Hindi mapapalitan ang saya kapag pamilya mo ang iyong kasama . Lahat tayong mga tao may kanya kanyang kasiyahan materyales, pera at iba pa. Pero, wala talagang makakatalo sa kasiyahan kapag pamilya mo ang iyong kasama



 Mga Bagay na Nagpapasaya
ni: Rhea Mae C. Tanghinan

Ang buhay ay puno ng kasiyahan at kalungotan ngunit sa bawat kalungkotan na hatid ng iyong buhay  ito ay ng bibigay lakas sa iyong sarili. Sa bawat kalungkotan my darating din na kasiyahan  ang kasayahan na ito ay ang aking pamilya at kaibigan. Ang kasiyahan na ating naramdaman ngayon ay hindi makukuha ng sinuman at ang kasiyahang  ito ay hindi ipinagkait ng panginoon sa atin.
Ang aking pamilya ang ng bibigay buhay sa akin, sa tuwing kasama ko sila na masaya nakakalimotan ko ang aking mga prooblema, lalong lalo na kapag kasama namin ang aming bunsong kapatid, na syay ng bibigay kulay sa aming magkakapatid. Ang pinakamasayang araw ng buhay ko na hinding hindi ko makakalimutan ay ang pagdiriwang namin ng bagong taon. Dahil completo kami at ng tulong tulong kami sa pag buo ng aming bagong taon. Ang aking kaibigan siila yung pangalawang ng bbigay saya sa buhay ko, sa tuwing kasama ko sila hindi hindi ko nakaakalimotan ko ang aking mga problema, gumagawa silang mga bagay na nakakapasaya sayo. Gumagala kami para makalimotan ang aming mga problema sa buhahay, tinitignan ang mga maggandang tanawin, kumukuha ng mga litrato.
Nagsisimba din kami bawat linggo kasama ang aking kaibigan, pinag dararasal namin ang aming kaligtasan at pag katops ng simba ay kumakain kami ng street foods, at pagkatapos ay kumuha ng mga litrato. Kapag sila aking kasama punong puna ng kasiyahan ang aking naramdaman.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Hindi Malilimutang Saya

Sayang Hatid ng Pag-ibig

“KALIGAYAHANG HINDI MATUTUMBASAN”