Mga Post

Sayang Hatid ng Pag-ibig

Pagkakataon Isinulat ni: Myrasol B. Aradillos Di mabilang na biyaya sa isang beses na pananampalataya.   Bagong simula sapagkat may paniniwala. Bagong umaga, bagong pag-asa at bagong pagkakataon upang maitama ang mga pagkakamali kasabay ang pagbukas ng ating mga sarili sa mga bagong biyaya. Ika nga nila, "we humans are prone to error because we are not perfect". Maaring nagkamali tayo sapagkat sinadya natin itong mangyari o kaya naman ito talaga ang nakatandaha upang matuto tayong sa mga bagay na dapat di natin ginawa. Pwedeng ipalagay natin na isa itong "curse" ngunit ang mga bagay na ito ay alam naman nating sa kathang-isip lamang nagaganap. Walang ni isa sa atin na nakaka-alam kung ano ang mangyayari sa mga susunod na araw sapagkat ang Diyos lamang, ang pinakamakapangyarihan sa lahat ang nakaka-alam sa pinakamagandang plano na hindi kailan man natin maiisip. Isang planong kasyang-kasya at perpekto para sa ating lahat. Bawat araw sa ating buhay ay isan...

Hindi Malilimutang Saya

AKING KAARAWAN Ni: Mechiel Grace Ramos Maraming masasayang araw na nangyari sa buhay ko pero may isang araw talaga na talagang nasiyahan ako at ito ang araw ng aking buhay noong Pebrero 17, 2019 ang araw na ito ay talagang di ko malilimutan dahil siguro 18 na ako at may kalayaan o FREEDOM na ako. Sa araw na ito ay binigyan na ako nina mama at papa ng kalayaan dahil nasa wastong edad na ako. Noong araw na yun ay sinorpresa ako ng mga kaibigan ko sanay na akong sinosorpresa nila pero nung araw na yun ay iba dahil kompleto sila. Pero mas nasiyahan ako dahil ang mama ng pinakamalapit kung kaibigan ay sinorpresa ako binigyan niya ako ng cake kahit na nasa ibang bansa siya at yung pinakamalapit kung kaibigan ay umuwi talaga siya para lang isurprise ako. At ang buo kung pamilya ay talagang masaya sila para sa akin dahil umabot ako sa ganitong edad pati na rin ako ay sobrang saya. DESI-SYETE Ni: Je Ann Rose Ramayrat Panibagong taon. May mga bagong alaala naman na nabuo n...

Ang Tunay na Kasiyahan

Masayang ala-ala ni: Richan Jean Comamao      Masaya at masarap kasama ang mga kaibigan, pero mas masaya kapag ang mahal mo sa buhay ang iyong kasama. Dahil nga malungkot ako, pinasaya ko ang sarili ko kasama ang aking mga kaibigan, at dahil mahilig din ako magpunta kahit saan pumunta kami ng mga kaibigan ko at pastor sa MGG.             Noong papunta kami doon nagdasal kami sa kaligtasan namin, mga ilang minuto ang nakalipas nagsimula na kaming maglakbay. Noong nasa daan kami marami ang mga magagandang tanawin ang mga nakikita ko, pagdating namin doon ay masayang masaya ako dahil naligo ako kasama kaibigan ko, kumain kami ng kahit ano, naglaro, kumuha ng mga litrato at pumunta sa mga ibat-ibang magagandang lugar doon. Parang sa ilang sandali nawala ang mga problema ko at hindi na ako nalungkot, nilibang ko ang aking sarili na parang sana hindi na matatapos ang araw na iyon     ...

“KALIGAYAHANG HINDI MATUTUMBASAN”

Kaligayahan na Hindi Makalimutan Kailanman ni: JANNIN ZANE D. GALIDO Bawat isa sa atin ay may masayang mga pangyayari sa ating buhay. Mga pangyayaring hinding-hindoi natin makakalimutan, dahil sa dulot nitong matinding kasiyahan. Sobrang saya maging masaya lalong-lalo na pag an gating pamilya, kaibigan o kahit sino mang mahal natin sa buhay an gating kasama. Maraming masasayang pangyayari ang ating nagdaan noong nakaraang taon ngunit isa sa pinakamasayang pangyayari sa buhay ko ay noong umuwi ang aking ina noong disyembre ng nakaraang taon galing sa Dubai. Isa siyang domestic helper sa bansang iyon at dalawang taon bago siya makauwi kaya sobra akong natuwa noong nalaman kong uuwi na siya. Medaling araw noon at sobrang ginaw pa noong sinalubong namin ang pagdating niya. Sobra talaga akong nagagalak sa muling pahkikita naming ng aking ina. Agad ko siyang niyakap at mangiyak-ngiyak pa ako noon dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga mata niya s...

Hindi Mabilang na Galak

LABAN LANG Ni: Alejandro, Karel Benz             Isang probinsyano na nadapa noon, bumangon at unti-unti nang naabot ang mga pangarap ngayon. Karaniwang mag-aaral, mahiyain at naggaling ako sa hindi kilalang institusyon, ngunit ako ay hinubog ng paaralang pinapasukan ko ngayon.             Hunyo 21, 2019, ang araw ng eleksyon para sa magiging bagong lider ng San Agustin institute of Technology at isa ako sa mga tumatakbong mag-aaral para sa mataas na posisyon. Noong una ay natatakot ako, dahil bago pa lamang ako sa paaralang ito, at wala pa gaanong nakakakilala sa’kin kaya imposible na ako ay manalo. Ngunit, naisip ko na ano pa ang silibi ng pagiging HUMSS student ko kung matatakot akong humarap sa mga mag-aaral. Karagdagan, sa HUMSS ay hiunuhubog ang mga mag-aaral upang upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at tibay ng loob. Sa amin nabibilang ang magiging lider nati...