“KALIGAYAHANG HINDI MATUTUMBASAN”
Kaligayahan na Hindi Makalimutan Kailanman
ni: JANNIN ZANE D. GALIDO
Bawat
isa sa atin ay may masayang mga pangyayari sa ating buhay. Mga pangyayaring
hinding-hindoi natin makakalimutan, dahil sa dulot nitong matinding kasiyahan.
Sobrang saya maging masaya lalong-lalo na pag an gating pamilya, kaibigan o
kahit sino mang mahal natin sa buhay an gating kasama.
Maraming
masasayang pangyayari ang ating nagdaan noong nakaraang taon ngunit isa sa
pinakamasayang pangyayari sa buhay ko ay noong umuwi ang aking ina noong
disyembre ng nakaraang taon galing sa Dubai. Isa siyang domestic helper sa
bansang iyon at dalawang taon bago siya makauwi kaya sobra akong natuwa noong
nalaman kong uuwi na siya. Medaling araw noon at sobrang ginaw pa noong
sinalubong namin ang pagdating niya. Sobra talaga akong nagagalak sa muling
pahkikita naming ng aking ina. Agad ko siyang niyakap at mangiyak-ngiyak pa ako
noon dahil sa sobrang pagkamiss ko sa kanya. Kitang-kita ko ang tuwa sa mga
mata niya sa muli naming pagkikita. Nagbonding kaming magkapamilya nagpunta
kami sa mall para magbonding pero ang nagustuhan kong bonding namin noong nagpunta kami sa Cafe sa Bukid. Sobrang
nasiyahan si mama sa luntiang paligid na nadadaanan naming papunta roon at makita
lang na masaya siya at palaging nakangiti ang isa sa napakagandang tanawin.
Malayo ang biyahe papunta sa Café sa Bukid ngunit Masaya naman kami ng aming
pamilya pag-uwi. Dahil hindi lang tiyan ang nabusog sa amin dahil pati narin an
gaming mga mata dahil sa naggagandahan at nagluluntiang paligid roon. Sa bawat
araw ay sinusulit naming ang mga oras na kasama naming si mama sa bahay dahil
pagkatapos ng isang buwan ay babalik na naman siya sa Dubai. Walang kahit isang
sandali na naging malungkot ang aming bahay noong andito si mama. Palagi kaming
masaya, palaging nagtatawanan at laging may mga ngiti na nakaukit sa aming
labi.
Para
sa akin hindi kumpleto ang isang pamilya lalong-lalo na pagwala ang ina dahil
ang ating ina ang siyang ilaw ng tahanan, ang siyang gagabay at magbibigay
buhay sa ating buhay. Parte ng isang pinakamasayang pangyayari sa aking buhay
anmg aking ina, alam kong sa mga darating na taon ay may mas masaya pang
pangyayari sa aking buhay ang magaganap ngunit ang pag-uwi ni mama noon ay
nanatili at magmamarka parin panghabang buhay.
Pagbibigay Halaga sa Masasayang Pangyayari
ni: MERRY
GLENN T. MARTINEZ
Sa
buhay ng bawat tao hindi natin maiaalis na magkaroon ng isang napakagandang
pangyayaring talagang hindi natin malilimutan lalo na kung ito ay magaganda
keysa sa mga masasama o malulungkot na pangyayari kaya mas binigyang natin ng
halaga ang mga magaganda, minsan nga ay tinatala pa natin ito.
Marami
sa mga taong mas binibigyang importansya ay magandang bagay na nagpapasaya sa
kanila kaysa sa pangit. Kung sa mga bata pa ay masaya na sila sa konting regalo
na binibigay sa kanila, pero ang mga binata o dalaga kagaya ko ay masaya na ako
pagnakikita ko ang pamilya ko na malaki ang guhit ng kanilang ngiti sa labi
kahit maraming mga pagsubok ang dumating sa buhay. Kung ako ang tatanungin, isa
sa pinakamasayang pangyayri sa aking buhay ngayong taon na ito ay ang magkaroon
ng panahon sa aking mga kamag-anak sa Cebu City na kung saan mas nakilala ko
ang aking mga tiyahin,at tiyuhin,tita at tito at mga pinsan ko na ngayon kulang
nakilala. Sa isang malaking handaan, doon namin sinasaluhan ang mga
napakaraming hinanda, chikahan doon, chikahan ditto, tawanan doon, tawanan
dito, harutan at kantahan. Doon ko nararanasan kung ano ang saya noong nakikila
at nakakasama mo ang mga kamag-anak mo galing sa ibang lugar. Mula ng dumating
ako sa kanila tinanggap at tinuring nila akong isang anak hanggang sa ako ay
umuwi dito sa Bukidnon. At iyon ang isa
sa pinakamasayang pangyayari sa aking buhay ngayung taon na ito.
Bawat mga pangyayri
sa ating buhay ay dapat nating bigyang halaga sapagkat paminsan-minsan lamang
ito mangyayari sa ating buhay. Upang hindi ko malilimutan ay sinusulat ko ito
sa aking mumuntiang kwaderno na kung saan ay nakalagay doon lahat ng mga
masasayang mga pangyayari sa aking buhay. Masarap talagang alalahanin ang mga
masasayang mga pangyayari sa aking buhay kaya naman minsan kapag naiisip natin
ito tayo ay napapangiti na lang at gumagaan an ating pakiramdam.
Estorya ng Walang Pighating Kagalakan
ni: CHAVY
LYLANE GAY EDUAVE
Ang
paggising sa pang araw-araw ay a ng isang dahilan kung bakit ako masaya,
sapagkat ito ay nagdadala ng panibagong araw at panibagong pagsisimula at sa
araw na ito, magbabago mo ang maling nagawa mo kahapon. Ginawa ng ating puong
maykapal ang panoabagong araw upang maging responsible tayong mga taokung saan
mababago natin ang mga desisyon natin sa buhay.
Pagkagising
ko ay maayos ang sitwasyon ng aking pamilya, humihinga at nandoon ang mag
kailangan ko upang mabuhay, pati na ang araw na nadama ko ang pagmamahal ng
aking ama kung saan masaya kaming nagkukwentuhan, nagtatawanan lahat ng
atensyon sa akin dahil sa isang problema kung saan nararanasan kung tumayong
ikalawang ina’t ama sa aking apat na
batang magkakapatid dahil ang nanay at tatay ko ay naghiwalay bigla, naging
osang peligro ito para sa akin sapagkat malililiit pa ang aking mga kapatid.
Ang bawat tao ay may
iba’t-ibang dahilan sa buhay kung bakit tayo masaya, mapaliit man o malaking
dahilan makikita mo ang ngiti ng nabubuhay sa kulay na dumadaloy sa mga kislap
na mata patungo sa masayang ngiti. Marami man tayon g naging magandang alaala
sa buhay may malilimutan talaga tayong saglit na pilit nating tinatandaankahit
Malabo nang mangyari sa ating buhay. Ang tanging hiling ko lang na mauulit ang
lahat ng masasayang ala-alang bumabalik pati na ang taong kasama mong bumubuo
noon ay may iba na ngayon. Ang araw na iyon ay tapos na kaya e pikit ang mata
at matulog na at bukas bagong yugto na naman ang naghihintay sa atin. Laban
lang tayo sa life besh! Kahit patong-patong na ang mga problemang dumating sa
ating buhay, huwag mong idaong ang sarili mo sa iisang masakit na alaala
kahapon dahil marami pang dahilan ang naghihgintay sayo upang maging masaya
ka’t maging matagumpay sa buhay natin, okay lang kung pagud kana. Magrelax ka,
matulog ka kung gusto mo,huwaq mong ihubog ang iyong sarili sa problemang
magpoproblema tungkol sa problema mo. Hayaan mo ang problemang lumutas sa
sarili nitong problemang pinoproblema nito, labsa kana doon sa problema nya
kung ang araw ay tapos na huwag kang mag-aalala may bagong simula na
naghihintay sa bukas.
Kaligayahang Walang Kapantay
ni: CATHLEEN D. DELA CRUZ
Panibagong
taon, panibagong mga pagsubok at panibagong pagkakataon upang itama ang ating
mga pagkakamali sa buhay. Lahat ng tao ay may kaniya-kaniyang istorya ng buhay,
may malungkot meron ding masaya.Sa buhay ng tao, hindi maiiwasan ang mga
pagsubok na nagpapalakas saating loob. Ang ating mga kamalian na nagsisilbing
instrumento upang matuto tayong lumaban sa hamon ng buhay. Ang aking buhay ay
simple lamang. Punong-puno ng mga
pagsubok ngunit merong mga tao na tumutulong saakin upang maging matapang at
maging matatag. Sa kabila nang lahat ng
problemang aking hinarap,ito ako patuloy na lumalaban at bumabangon upang
makamit ko ang aking mga pangarap sa buhay . Ang aking pamilya ang nagbibigay
saakin ng lakas at sila rin ang aking kahinaan. Ang pinakamagandang nangyari sa
buhay ko ngayong taon ay ang pagbibigay saakin ng panginoon ng pagkakataon upang makasama ko pa ang aking mga pamilya .
Hindi lahat ng tao ay nagkakaroon ng pagkakataon na makasama ang kanilang mga
mahal sa buhay ng mas mahabang panahon kaya akoy labis na mapalad sapagkat ang
mga taong gusto kong makasama habangbuhay ay kasama ko parin hanggang
ngayon.Gusto ko silang suklian sa lahat nga mga paghihirap na kanilang ginawa
upang itaguyod ang aking edukasyon. Hindi man kami buo sa ngayon, ngunit masaya na akong malaman na may pag asa
pa para maging buo ulit kami. Hindi dahilan ang simpleng alitan para magka
watak-watak ang aking pamilya habangbuhay.
Walang perpekto sa mundo, lahat tayo ay
nakakagawa ng mga kamalian ngunit hindi rin napapagod ang panginoon upang
bigyan tayo ng pagkakataon upang itama ang ating mga pagkakamali . Lagi kong
pinagdadasal ang kaligtasan nang aking buong pamilya. Hindi ko nakakasama ang
aking pamilya araw-araw kaya't dinadaan ko sa dasal ang lahat. Hindi ako
katulad ng ibang tao na nabiyayaan ng matinong ama . Noon paman lagi ko nang hinihiling sa
panginoon na sanay tulungan niya ang aking ama upang magbago na at sana'y baguhin
na niya ang kaniyang di magandang asal. Habang akoy nag aaral sa malayo, lagi
kong iniisip ang aking pamilya lalong-lalo na ang aking ina kung nasa mabuti ba
silang kalagayan. Masakit isipin na ang taong inaasahan mo na umalalay sayo sa
panahon na nahihirapan ka ay ang tao na nagiging dahilan kung bakit ka
nasasaktan nang lubusan. Kahit ganoon paman ako'y nasisiyahan pa rin sapagkat
hanggang ngayon ay nakakasama ko parin ang aking ama . Minsan naiisip ko kung
bakit ganitong klase ang buhay na meron ako. Lagi nalang akong nasasaktan at
lagi nalang nadudurog ang aking puso. Hindi man ganoon ka sigla ang aking buhay
,kuntento na ako kung anong meron ako ngayon.
Isa sa
pinakamahalagang bagay na aking natutunan ay ang pagiging matatag sa kabila
nang bumabaha na mga problema . Maraming beses na nangyari saakin na halos
madurog na ako dahil sa dami nang problemang aking hinaharap. Maraming tao na
minahal na natin ng lubos ngunit mas pinipili parin tayong iwan . Maraming tao
na binigyan natin ng buong tiwala ngunit hindi kailanman binigyan ng halaga.
Lahat nang mga pagsubok na iyan ay nalampasan ko dahil saaking pagiging
positibo sa buhay. Dapat nating pahalagahan ang mga tao na nananatili saating
tabi sa kabila nang ating kakulangan at palayain ang mga taong gustong umalis
at mang iwan. Ngunit sa kabila nang mga masasakit na pangyayari, nananatili
akong matatag sapagkat alam kong may rason kung bakit nangyari ang lahat nang
iyon . Hindi dahilan ang problema para sumuko ka, kahit gaano man kalaki ang
iyong problema manalig ka lamang.
Sa Kahuli-hulihang Kasayahan na Hindi Malilimutan
ni: LYNIE LOU L. TELERON
Ang
kasalukuyan at buhay ko sa kinabukasan, ang buhay ay parang daloy patungo sa
ating hinaharap, na kung saan matatanaw mo ang problema kalakip ng ating buhay
magpakailanman, buhay na may nakaukit na kaligayahan at buhay na meron ding
nakaukit na kalungkutan. Kasiyahan ang tunay na kaagapay sa aking matatamis na
ngiti, ngunit minsan ang ngiting ito ay may bahid na nakaraan na hindi nakikita
ng karamihan. Malimit man ang buhay natin dito sa mundo pero hindi mo
masasabing ito'y magiging tulay sa masaya mong buhay.
Noong
Mayo 17 2019, napag-isipan ng aking ina na magbakasyon pansamantala sa Cagayan
de Oro City upang ipagdiwang ang kaarawan niya, kasama ang mga mahal namin sa
buhay. Isa ito sa mga hindi ko makakalimutang araw sa kadahilanang madalas kong
makikita ang aking ina na tumatawa sa subrang saya, at dulot ng kasiyahang 'yon
kalungkutan at problema ko'y napawi. Masaya dahil sa pagkakataon 'yon nakita ko
muli ang mahal ko sa buhay na puno ng kasiyahan at naramdaman ko rin ang pagmamahal
nila sa pamilya sa simpleng pamamaraan ng aming buhay sa mga panahong 'yon.
Hindi ko rin maalis sa'king isipan sa parehong araw ng aming pamamasyal, na sa
gitna ng trapiko nagka-aberya ng kaunti ang sasakyan ng aking tiyuhin at
sapilitan niya akong ipinatulak sa likod ng sasakyan upang makatulong sa pagbalik ng makina. Hindi ko rin mawari sa
isipan na nakakahiya pala ang aking ginawa sa gitna ng trapiko bilang isang
babae, dahil sa pamamagitan ng aberyang 'yon nagdulot ito ng matinding traffic sa daan at ang suot ko ng araw
na'yon ay mailking short lamang na sigurado akong kitang-kita ang aking hita doon at talagang
nakakahiya iyon para sa akin. Sa mundong ito, pamilya ang pangunahing dahilan
sa aking mga ngiti, dahil sila ang mga taong kaya akong mahalin sa kabila ng
aking ginagawa sa buhay, at sila din ang handang-handang magsakripisyo upang
mapalaki ako ng maayos at may takot sa Diyos.
Sa
pagtatapos, naway pahalagahan natin ang ating masasayang araw sa buhay dahil sa
aking pansariling pananaw, ang buhay ay hindi dalawa ngunit ito’y isa lamang.
Meron mang malulungkot na araw sa ating buhay, meron din namang kaagapay na
kasiyahan sa ating buhay. Kasiyahan na kung saan bigay at biyaya ito sa'tin ng mga
mahal natin sa buhay at Maykapal. Nakakaramdam man tayo ng hirap sa buhay,
huwag din nating kalimutan na may mas naghihirap alang-alang sa ating buhay, ’yon
ay ang ating mga mahal sa buhay. Hindi man kami mayaman tulad ng iba, pero mas
mabuti na maging isa sa mga mahirap, dahil ang mahirap ay hindi takot maging
isang mahirap at hindi takot makadanas ng simpleng buhay, hindi tulad ng
karamihang mayayaman na hindi sanay sa simpleng buhay at takot maging isang
mahirap. Kaya naman, pahalagahan natin ang ating buhay sa bawat araw na
dumadaan dahil, hindi natin alam kung ano ang mangyayari sa atin habang nandito
pa tayo sa mundong ginagalawan natin ngayon.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento