Hindi Mabilang na Galak
LABAN LANG
Ni: Alejandro, Karel Benz
Isang probinsyano na nadapa noon,
bumangon at unti-unti nang naabot ang mga pangarap ngayon. Karaniwang
mag-aaral, mahiyain at naggaling ako sa hindi kilalang institusyon, ngunit ako
ay hinubog ng paaralang pinapasukan ko ngayon.
Hunyo 21, 2019, ang araw ng eleksyon
para sa magiging bagong lider ng San Agustin institute of Technology at isa ako
sa mga tumatakbong mag-aaral para sa mataas na posisyon. Noong una ay natatakot
ako, dahil bago pa lamang ako sa paaralang ito, at wala pa gaanong nakakakilala
sa’kin kaya imposible na ako ay manalo. Ngunit, naisip ko na ano pa ang silibi
ng pagiging HUMSS student ko kung
matatakot akong humarap sa mga mag-aaral. Karagdagan, sa HUMSS ay hiunuhubog
ang mga mag-aaral upang upang magkaroon ng kumpiyansa sa sarili at tibay ng
loob. Sa amin nabibilang ang magiging lider natin sa hinaharap at sinasanay
kami kung paano makipag-usap sa tao gamit ang mga makabulohang salita. Lahat
nang ito ang nagtulak sa akin upang magpatuloy sa pagtakbo. Sa umpisa, mahirap,
nakakapagod at magastos, pero balewala ang lahat nang ito dahil sa makukulit at
malalakas na tawa ng aking mga kasama. Determinasyon, at dedikasyon upang
pagsilbihan ang ating paaralan ang nagpanalo sa aming koponan. Bakit ito ang
pinakamasayang ala-ala ko ngayong taon? Simple lang ang dahilan, dahil ito ang
pangarap ko noon pa man, ang ipakita at ibahagi
ang aking kakayahan sa pagiging lider sa aking kapwa mag-aaral. Dahil sa
karanasang ito, ay mas dumami pa ang aking mga kaibigan, dahilan upang maging
masaya at pursigido akong pumasok sa paaralan.
Marami
na akong pinagdaanan, nabigo, at muntikan na ring sumuko, ngunit naniwala akong
may isang pangyayari na tutulong at babago sa sitwasyon ko. Ginamit ko ang
lahat ng mga pinagdaanan kong mahihirap upang harapin ang ibat-ibang pagsubok.
Ngayon, kung may pagkakataon na dumarating ay agad ko itong sinusunggaban dahil
isa sa mga natutunan ko sa buhay ay ang “sumubok hanggang kaya pa; masakit ang
madapa, pero mas masakit ang manghinayang sa isang bagay na hindi mo
ipinaglaban kahit alam mong kaya mo itong paghirapan.
Sa aming Bukid
ni: Princes T. Wenceslao
Ang mag trabaho sa bukid ay kay hirap ngunit kung kasama
ang pamilya at nagtutulungan, hirap ay mapapalitan ng saya at pagsisikap. Sa
bukid ay kay saya lalo na’t kasama sina Mama at Papa.
Sabado iyong araw na iyon at ginising kami ng maaga ng
aking ama at nag luto ng umagahan ang aking ina. Pinabihis kami ng aking ama
dahil kami daw ay magtratrabaho sa aming bukid, pagdating namin doon ay kay
init at sinimulan na namin ang pagtratrabaho. Kahit mahirap at mainit, kapag
nakikita ko ang ngiti ng aking mga kapatid ay mas lalong nakakaganang
magtrabaho. Doon na nag luto si Mama at nananghalian kami, usap-usap, at mga
tawanan na mas lalong nakakabusog. Napakasaya ko noong araw na iyong dahil
umakyat kami ng aking mga kapatid sa puno ng mangga at kumain. Para saakin,
iyon ang pinakamasayang nangyari sa aking buhay ngayong taong ito sapagkat
nakatulong kami sa aming mga magulang at pakiramdam ko ay mas napalapit kami sa
isa’t isa sa pamamagitan ng mga usapan at tawanan na aming na ibahagi.
Kapag kasama ang pamilya, lahat ng hirap ay nagiging
magaan kapag nagtutulungan at ramdam mo ang inyong pagmamahalan.
SA ILIGAN
Isinulat ni: Mary Trace
Aloquin
Ang mga
karanasan sa buhay ng tao ay bahagi na ng ating buhay. Ito ay naka ukit o naka
tadhana na sa atin .Mga ala alang hindi na maibabalik , mga ala alang abot
langit ang saya.
Isa sa mga
gusto ko ay ang maka punta sa iba’t ibang lugar kasama ang mga mahal ko sa
buhay . Hilig ko talaga ang pumunta sa mga magagandang tanawin tulad nalang sa
pinuntahan namin ( ILIGAN CITY ).
Maaga akong
gumising dahil nasasabik na akong pumunta sa aming pupuntahan kasama ang aking
mga mahal sa buhay , habang nasa byahi kami marami kaming napag usapan tungkol
sa mga buhay buhay namin .Pagting namin doon agad agad akong dumungaw sa
bintana ng sasakyan para makita ko kong gaano kaganda ang pinuntahan naming
lugar .Habang dumudungaw ako , marami akong naisip , isa na dito ang napag
usapan namin kanina , at para sa akin isa ito sa mga magandang ala ala na
nangyari sa akin dahil kanina sinabi nila sa amin na dapat mag pursigi kami sa
aming pag aaral kung gusto pa namin maranasan ang nararanasan namin ngayon
habang buhay pa sila , dahil kung wala na daw sila tanging sarili nalang daw
ang maasahan namin.
Kung gusto
niyong maransan pa ang magandang buhay na nararanasan natin ngayon dapat mag
pursigi tayong mabuti sa ating pag aaral , isaulo dapat natin na walang
permanente sa mundo.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento